By: Princess B. Sarito

Mental Health Kit sa Pandemya

Sa buhay ng bawat tao, walang perpekto lahat ay nakakaranas ng kalungkutan at kasiyahan at ito ay normal para sa pangkalahatan. Ang importante  naman dito ay kung paano nilalabanan ang pagsubok ng bawat isa sa pang araw-araw. Lalo ngayong pandemya, marami ang nakakaranas ng kalungkutan sa kanilang buhay dulot nadin ng kawalan ng trabaho at hindi nila nakakasama ang kanilang mahal sa buhay dahil sa epekto ng kahigipitan dulot ng quarantine na naranasan natin .

Noong nagsimula ang pandemya nahinto ang pagpasok sa mga unibersidad maging sa elementarya at naging sanhi ito ng mga laman ng balita na maraming nagpapakamatay dulot ng problema. Ayon sa eksperto marami ang naapektuhan dulot ng pandemya lalo na ang  mga estudyante na nahihirapan sa online learning dahil dito ay nararapat na alagaan nila ang kanilang pang kaisipan.

Dahil sa mga pressure na nararanasan ng mga kabataan , kakulangan sa mga kagamitan sa eskwela at maging ang pagtatrabaho sabay ang pag -aaral ay mas lalong na dagdagan ang kanilang iniisip. Hindi lang ito dahil sa pag aaral kundi sa mga nakikita nila sa kanilang paligid . Madalas ikumpara ng mga tao ang kanilang sarili sa iba na mas lalong nakakapagpalala ng kalusugang Pangkaisipan kung ano ba ang mararating nila sa buhay , magiging matagumpay ba sila katulad ng iba ang mga gantong tanong sa ating kaisipan ay nakakapag bigay problema lamang sa kalusugan Pangkaisipan. Tama naman na pagiisipan ang mga ganyang bagay para sa ating hinaharap ngunit tayo ay dapat maging positibo isipin natin na kaya rin natin .

Meron tayong tinatawag na mental kit na maaaring makatulong sa mga taong nakakaranas ng mga depresyon at anxiety ang nilalaman nito ay journal na kung saan pwede magsulat o ilabas ng tao ang lahat ng kanyang mga iniisip ng sa ganun ay parang na nailalahad niya rin ito sa iba at meron ding libro na kung saan makakatulong sa kanila para makapag isip ng iba. 

Ang mga simpleng paraan natin ay magiging malaking tulong sa mga tao nakakaranas ng depresyon maging tayo ay dapat maging maingat sa ating mga sinasabi ipakita natin sa kanila na tayo ay kanyang malalapitan at maaaring pwedeng masabihan ng problema maari rin tayo magbigay ng payo sa kanila na sa tingin natin ay magiging malaking tulong maging kaibigan mo man o miyembro ng pamilya ang nakakaranas nito.

Design a site like this with WordPress.com
Get started